13

By

Balangiga bells inihanda na sa pagbalik sa ‘Pinas

Sharing is caring!

Tinanggal na ang dalawang Balangiga bells sa pinaglagakan nito sa Wyoming US air base para sa napipintong pagpapadala nito pabalik sa bansa.

Nangyari ang paglilipat ng dalawang kampana sa kanilang pansamantalang ‘bahay’ matapos ang seremonya sa F.E. Warren Air Force Base.

Samantala ang isa pang Balangiga bell ay kasalukuyang nasa South Korea sa isang museo ng US Army sa nasabing bansa.

Nakatakdang makarating sa Pilipinas ang tatlong Balangiga bells sa Disyembre 11, Martes, ayon sa Department of National Defense, kung saan darating muna sa Villamor Air Base sa Pasay para sa turnover ceremony bago ilipad pa-Eastern Samar, ang orihinal na tahanan ng Balangiga bells.

Matatandaan na ibinigay sa US ang Balangiga bells bilang war trophy matapos atakihin ng ilang mga guerillang Pinoy ang 9th US Infantry Regiment sa Balangiga noong 1901, gumanti ang mga Amerikano matapos malagasan na naging dahilan ng pagkuha sa mga kampana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?