31

By

Balangiga bell ipahiram sa National Museum – Zubiri

Hinimok ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang pamahalaan at ang Simbahang Katoliko na ipahiram sa National Museum ang isa sa tatlong Balangiga Bells.

Ayon sa senador, mas marami ang makakakita sa kampana at mapapaaalahanan ng kasaysayan nito kung nakalagak sa museo na dinarayo ng mga tao lalo na ng mga estudyante.

Hindi aniya lahat ay makadadayo sa Borongan, Eastern Samar kung saan ito dadalhin matapos ang ilang araw na pamamalagi ng kampanya sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Kaugnay nito, inihain ni Zubiri ang Senate Resolution No. 965 kung saan hinihikayat na ibahagi sa sambahanan ang kampana.

“Whereas, with this historic event, it is urged that the government share with the Filipino people one of the three Balangiga Bells to the National Museum, the premier custodian and repository of the country’s heritage, to give change to many Filipinos to see for themselves this religious artifact and be reminded of the role it played in one of the bloodiest chapters of the Philippine – American War,” saad sa resolusyon ni Zubiri.

“Placing the bell in the National Museum will give every Filipino from Luzon, Visayas and Mindanao an opportunity to get a glimpse of an important piece of our nation’s history,” dagdag ni Zubiri.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?