25

By

Balangiga bell, hindi nararapat sa museum – Evardone

Sharing is caring!

Tutol si Eastern Samar Rep. Ben Evardone sa panukala na ilagay sa National Museum ang isa sa Balangiga Bells.

Katuwiran nito, dapat ilagay ang mga kampana sa nararapat nitong kalagyan at kung saan talaga ito nakalagay — ang bell tower ng simbahan ng Balangiga.

“The bells are religious artifacts more than a museum items,” sabi ni Evardone.

Bagama’t na-appreciate daw nila ang kagustuhan ng ilan na itampok ang kahalagahan ng naturang bells sa pamamagitan ng paglagay dito sa National Museum, naniniwala rin naman ang mga taga-Samar na hindi mababawasan ang papel nito sa kasaysayan ng bansa kung ilalagay ito sa Balangiga church.

Bukod pa rito, kakailanganin aniya ang pag-apruba ng Simbahang Katolika partikular ng Diocese of Borongan at ng Parish of Balangiga, kung may isang kampana na ilalagay sa National Museum.

Dapat aniyang igalang ang desisyon ng Simbahan sa usaping ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?