92

Apr 7, 2020 @ 8:28
By

Balakajan! Dong Abay nag-ala Diyos, sinagot si Duterte

Sarkastikong tinugon ni rock musician Dong Abay ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagdasal ang bansa sa COVID-19 crisis ngayong Holy Week.

Inalala kasi ng nauna ang pahayag ng huli noong Hunyo 2018, habang binabatikos ang Biblical story nina Eba at Adan, na “Who is this stupid God?”

“This being the Holy Week, I am calling on the nation to come together, this Holy Wednesday afternoon and pay tribute to the indomitable spirit of the Filipino and unite in one prayer to God to fight one common enemy,” wika ng Pangulo sa isang televised address na inere kagabi, Abril 6, 2020.

“Pagkatapos mo akong tawaging “stupid God”, magdadasal ka sa akin ngayon? Balakajan,” tugon din kagabi ni Abay sa Twitter.

Sang-ayon ang mga netizen sa banggit ng “Yano” lead vocalist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?