241

Oct 23, 2020 @ 22:44
By

Balae ni Villar may pakiusap kay Liza Soberano

Suportado ni ret. Police General Edgar Aglipay ang panawagan ni Southern Luzon Command commander Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., sa aktres na si Liza Soberano at ilan pang celebrity na putulin na ang kaugnayan sa mga makakaliwang grupo.

Magugunitang nanawagan si Parlade noong Miyerkoles sa mga tagasuporta ng gobyerno na iwasan ang “red tagging” kay Soberano kasunod ng pagsali ng aktres sa isang youth forum ng Gabriela Women’s Party.

Pero binalaan niya si Soberano, “Liza Soberano, there’ s still a chance to abdicate that group. If you don’t, you will suffer the same fate as Josephine Anne Lapira @ELLA, former Deputy Secretary General of Gabriela Youth of UP, Manila and defender of women’s rights, even against sexual predators amongst her comrades in the NPA unit she joined which is clearly stated in her handwritten letter addressed to a certain @EMIL.”

Dagdag niya: “The choice is yours Liza. And so with you Catriona. Don’t follow the path Ka Ella Colmenares (Locsin) took in the underground and NPA Quezon. I am sure Angel Locsin and Neri Colmenares will not tell you this.”

Sa video ng Department of National Defense, sinabi ni Aglipay na may katotohanan ang naging pahayag ni Parlade at ang sinasabi lang nito kay Soberano ay isang payo.

Kaya umaasa siyang susundin ni Soberano ang advice dahil ito lang aniya ang makakapagdesisyon para sa kanyang sarili kung ano ang mabuti para sa Diyos, sa bansa at sa mga Pilipino.

“First his (Parlade) statement is a fact. Second, what he’s saying or telling in Miss Soberano is an advice. And we hope Miss Soberano will take the advice and together with the other advice and I think she is the only now to decide for herself what is good for God, country and people,” komento ni Aglipay sa pahayag ni Parlade.

Si Aglipay ay kasalukuyang chairman ng Philippine Military Academy Alumni Association Inc. at balae ni Senadora Cynthia Villar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?