38

By

Bakuran pinamugaran ng mga adik, 14 tiklo

Sharing is caring!

Kulong ang 14 na kalalakihang sangkot sa ipinagbabawal na droga matapos ang ikinasang drug buy-bust operations sa Pililla, Rizal.

Ayon kay Rizal Provincial Director Police SSupt. Lou Frias Evangelista, ikinasa ang buy-bust operation bandang alas-10:45 Miyerkules ng gabi at naaresto ang 14 katao.

Nakilala ang mga suspek na sina Alfred Buscaino y Santos, 52-anyos, vendor; Federico Quadro y Galintes, 51-anyos; Danilo Caballero Jr y Caldino, 28-anyos; Justin Quadro y Galintes, 18-anyos; Ferdie Quadro y Galintes, 31-anyos; Ramil Victoriano y Cariaga, 38-anyos; Rogelio Torres y Claridad, 41-anyos; Roben Cariño Jr. y De Leon, 40-anyos; Oscar Villanueva Y Obina, 40-anyos; Gregorio Torres Jr. Caliridad, 39-anyos; Idoll Econg y Antazo, 52-anyos; Ruben Corcuera y Del Mundo, 47-anyos; Manuel Villanueva y Buenviaje, 56-anyos; Rodel Delos Santos y Ebasco, 32-anyos, pawang mga residente ng A. Paz St. Barangay Bagumbayan Pililla, Rizal.

Base sa report, ikinasa ang buy bust bandang alas-10:45 ng gabi ng mga tauhan ng Drug Enforcement Team ng Pililla Municipal Police Station sa pangunguna ni PCInsp Roberto Perez Santos, chief of police na kung saan ay target si Buscaino at pinainan ng P1000 para makabili ng shabu.

Sa loob ng isang bakuran ay nasakote ang 13 iba pang nakaistambay na kilalang mga tulak at gumagamit ng iligal na droga at agad na dinala sa pulisya.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang siyam na sachet na naglalaman ng shabu at drug paraphernalia.

Kasalukuyang nanakulong ang mga suspek sa Pililla Municipal Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?