20

Sep 13, 2021 @ 13:06
By

Bakunahan muna mga senior bago mga bagets – pediatricians

Hinimok ng Philippine Pediatric Society (PPS) at Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP) ang pamahalaan na magbakuna muna ng sapat na dami mula sa adult population bago turukan ng COVID vaccine ang mga menor de edad.

Anila, mas dapat pa ring gawing prayoridad ng national government ang mga nasa bulnerableng sektor.

“[T]he adult and more vulnerable age groups should still be prioritized in the vaccination rollout, with the aim of equitable distribution among different regions of the country,” anang grupo sa isang pahayag.

“Once the whole country has a sufficient percentage vaccinated in the priority adult groups, children 12 years old and above may be considered for vaccination,” dagdag pa nila.

Kaugnay ang pahayag matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) ng COVID-19 vaccine ng Moderna para sa may edad 12 hanggang 17 anyos.

Samantala, wala pang rekomendasyon ang Health Department sa naturang pag-apruba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?