14

May 3, 2021 @ 21:42
By

Bakunadong senior citizen payagan nang kumain sa labas – Macalintal

Sinuhestiyon ni senior citizens’ rights advocate Atty. Romy Macalintal sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na pagbigyan na sa ilang special privilege ang nabakunahan kontra COVID na mga senior citizen.

Halimbawa aniya ng special privilege ang pagpayag sa mga lolo at lola na mag-dine in sa mga establisyimento.

“‘Yung mga vaccinated senior citizens mapagbigyan ng ilang special privilege. Halimbawa, sa dine-in kung sinasabi nating 10% ang capacity, gawin nating 25%. ‘Yung 15% para sa seniors na vaccinated,” saad ni Macalintal sa “24 Oras” ngayong Lunes.

Paliwanag niya, ang mga naturang pribilehiyo ay makakahikayat sa mga senior citizen na magpabakuna.

Pero ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat pa ring manatili sa bahay ang mga senior kahit pa bakunado na ang mga ito dahil hindi raw ito kasiguruhan na hindi na makapanghahawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?