27

Oct 14, 2021 @ 14:47
By

Bakunadong senior citizen aprub na gumala

Maaari nang makalabas ang mga senior citizen sa Metro Manila basta kumpleto na ang mga ito sa bakuna.

Ito ang inihayag ng Malacañang matapos ianunsiyo na inilagay na sa Alert Level 3 status ang National Capital Region simula Oktubre 16 hanggang sa katapusan ng buwan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na magsisilbing insentibo para sa mga senior citizen na makalabas ng bahay basta kumpleto na ang bakuna ng mga ito laban sa COVID-19.

Para aniya sa hindi pa bakunadong senior citizen, papayagan lamang sila para bumili ng kanilang pangangailangan at para maghanapbuhay.

“Kung bakunado dahil ibinigay nating incentive ‘yan sa mga senior, pupuwede. Kung hindi bakunado, para lang po sa mga essentials at para lang maghanapbuhay,” ani Roque.

Ang mga senior citizen ang naunang pinagbawalang lumabas ng bahay matapos ipatupad ang lockdown noong Mach 2022 dahil sa peligro ng mga ito sa kontaminasyon ng COVID-19 at marami na umano sa mga ito ang naiinip dahil sa matagal na pananatili sa bahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?