28

Jan 14, 2022 @ 17:59
By

Bakunadong dayuhan makakapasok na sa ‘Pinas

Inalis na ng pamahalaan ang ban sa pagpasok ng mga foreigner sa bansa basta’t fully vaccinated na ang mga ito laban sa COVID-19.

Nilinaw naman ng Palasyo na hindi kasama sa mga papapasukin ang mga turista.

Simula Pebrero 16, kailangang magpakita ng pruweba ng pagpapabakuna ang mga papasok na dayuhan sa Pilipinas.

“Beginning February 16, 2022, proof of full vaccination shall be made a requirement for entry of all foreign nationals allowed to enter the Philippines,” pahayag ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles sa isang press briefing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?