249

Nov 17, 2021 @ 22:01
By

Bakunado ng AstraZeneca, paturok ng ibang booster shot

Pinayuhan ng National Vaccination Operations Center (NVOC) ang mga fully vaccinated healthcare worker na tumanggap ng AstraZeneca vaccine na magpaturok ng ibang brand kapag nagpa-booster shot.

Sa isang memorandum sinabi ng NVOC, may posibilidad na nagpapahina ng immune response sa ikatlong dose ng mga vector-based vaccine tulad ng AstraZeneca.

Maaari umanong bakunahan ng Pfizer at Moderna vaccine bilang booster shot ang mga naturukan ng AstraZeneca.

“From a safety standpoint, there doesn’t seem to be any problems with the third dose of Astra. The question then becomes efficacy,” wika ni Dr. Edsel Salvana, ng Department of Health-Technical Advisory Group.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?