14

Sep 15, 2021 @ 13:23
By

Bakunado lang aprub sa dine-in – DOT

Ang mga bakunado lamang kontra COVID ang papayagang makapagdine-in sa pagpapatupad ng alert level 4 sa Metro Manila simula Huwebes, ayon kay Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Sa gitna ng alert level 4 ay 10% ng kapasidad ng bawat food establishment ang maaaring makapagdine-in ngunit ayon kay Puyat, limitado lamang ito sa mga bakunado.

Gayunpaman, ang al-fresco dining ay papayagan na rin at dito naman pwede ang mga hindi pa bakunado.

Paalala ng kalihim, dalhin ang vaccination card kapag pupunta sa mga establisyimento.

Dagdag pa ni Puyat, nasa 99% na ng mga tourism workers sa Metro Manila ang bakunado na.

“We’re looking out not only for those who want to eat out but we’re also looking out for the safety of those who are working in hotels,” ani Puyat. “We want people to be vaccinated and ang maganda with tourism workers, no vaccination hesitancy. They want to be vaccinated.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?