48

Jun 23, 2020 @ 20:39

Bakuna kontra COVID malapit na ma-perfect

Masaya si Pangulong Rodrigo Duterte na maraming bansa ang nakatutok at malapit nang makabuo ng bakuna kontra sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

“Ang masabi ko sa inyo na good news …is that we believe and I believe too that many countries has now perfected some vaccine. Maybe some are haphazard kasi madalian eh (because they need to rush it). The quest for vaccine takes time, years. Dito nagmamadalian (Here, they’re hurrying) at least we have a medicine that would fight Covid,” pahayag ni Duterte sa public address nito Lunes ng gabi.

Sa 13th report sa Kongreso kaugnay sa Covid-19 response effort ng gobyerno ay sinabi ng Pangulo na 288 pasyente na ang nag-enrol sa Solidarity Trials ng World Health Organization (WHO).

Ang “Solidarity Trial”ay international clinical trial na inilunsad ng WHO at mga partner para ma- test ang safety at pagigign epektibo ng posibleng bakuna sa COVID.

Simula nang ilunsad ay may 100 bansa na ang sumali sa ‘Solidarity Trial’ para masuri ang effectiveness ng apat na pinagsama-samang droga na kinabibilangan ng chloroquine o hydroxychloroquine, remdesivir, lopinavir o ritonavir, at lopinavir o ritonavir na may interferon beta-1a.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?