272

Jan 13, 2022 @ 16:33
By

Bakuna card napepeke! National vaccination database dapat ayusin—Salceda

Dapat umanong ayusin ng gobyerno ang national database ng mga nabakunahan bago magpatupad ng polisiya na maglilimita sa galaw ng mga hindi bakunado.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, madaling mapeke ang mga vaccination card na bigay ng mga lokal na pamahalaan at kung mayroong gagawa ng peke nito ay mawawalan ng punto ang paglimita sa galaw ng mga hindi pa nagpapabakuna laban sa COVID-19.

“And if any unvaccinated person is able to slip past the checks with a fake certificate, then the (no vaccination no ride) policy loses its point,” sabi ni Salceda.

Ayon sa solon, kahit na ang kanyang unang dose ay hindi pa naka-record sa online vaccination certificate ng gobyerno.

Sinabi ni Salceda na dapat ding tiyakin ng gobyerno na mababakunahan ang lahat ng gustong magpabakuna bago magpatupad ng anumang restriksyon.

“As such, the means to get a vaccine have to be widely available and with a special preference towards the poor. Otherwise, it could deny access to basic public services among the poor who want to get vaccinated, but whose LGUs have not reached them yet,” sabi ni Salceda.

Iminungkahi rin ni Salceda ang pagsasagawa ng bakunahan sa mga malalaking kompanya para maaaring magpabakuna ang mga empleyado kapag break time at hindi na kailanganin na lumayo pa at mag-ubos ng mahabang oras.

“It would be extremely unfair if those who want to get vaccinated but have limited access to them are denied public transportation. It will affect their livelihoods,” dagdag pa ng solon.

Pinakamaganda umano kung gagawin ito ng araw ng Biyernes upang makapagpahinga ang mga empleyado sa araw ng Sabado at Linggo sakaling makaranas ng side effect.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?