24

Oct 17, 2021 @ 12:52
By

Baklang manyak utas sa pamamaril sa Quezon

Ibang putok ang inabot ng isang bading sa Barangay Pahinga Norte, Candelaria, Quezon.

Natagpuan kasi itong bangkay na lamang sa isang gubat sa natrurang barangay pasado alas-6 ng umaga nitong Sabado.

Ayon sa ulat, nasawi ang biktima sa pamamaril.

Kinilala ang nasawi na si Zaldy Manlolo Custodio.

Batay sa report ng GMA News, nakipag-inuman ang 30 anyos sa dalawang kabataan sa naturang barangay noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang isa sa mga suspek na si Mark Joseph na siyang inamin din ang nagawang krimen.

Giit niya, makulit kasi ang kamay ng bikitma nang malasing na ito.

Dahil umano sa patuloy na panghihipo, kumuha na siya ng baril at niyaya sa gubat ang biktma kung saan niya ito binaril.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek na siyang nahaharap sa kasong murder. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?