691
Bakla raw! Luis Manzano dumepensa
By

Bakla raw! Luis Manzano dumepensa

Sinagot ni Luis Manzano ang ipinupukol sa kanyang isyu ng pagiging gay dahil sa edad na 37 ay hindi pa ito nagpapakasal.

Ani Luis sa isang panayam sa pahayagan, maliban umano sa pagiging madaldal niya, posible umanong nagsimula ang gay rumor sa kanya noong nanood siya ng show ng kanyang mommy Vilma Santos.

Palagi kasi umano niyang katambay noon ang mga dancer at hindi siya nag-i-stay sa dressing room ng mommy niya.

Aniya, kakulitan umano niya lahat, babae, lalaki, bakla at tomboy.

Maaari umanong dahil sa nakita na kumportable siya sa mga ito at lahat ay kasundo niya kaya napagkamalan siyang beki.

Sa kasalukuyan ay dalawang taon na ang relasyon nila ni Jessy Mendiola at sinabi ni Luis na ang huli na ang gusto niyang makatuluyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?