124

By

‘Bakla’ na-gong sa ‘Tawag ng Tanghalan’

“Nabaliw” din naman kami sa isang contestant ng Tawag Ng Tanghalan na ang ipinanlabang kanta ay ‘yung kantang Hindi Ako Bakla, pero ang choreography naman niya ay baklang-bakla.

May boses naman siya dahil dati raw pala itong K Pop Grand Winner sa isang singing contest ayon sa kanyang ina, pero, of all songs na ilalaban niya sa isang kantahang katulad ng TNT, isang malaking bakit talaga ito.

‘Yun din ang sinabi sa kanya ni Vice Ganda at ng iba pang mga hurado, na kapag lumaban ka isang singing competition lalo na at kasinlaki ng TNT, please naman, pumili naman ng kanta na hindi ka magmumukhang engot on stage, huh, lalo na’t may boses naman.

Kaya, kung na-gong man siya ni hurado Rey Valera, kasalanan na niya ‘yun, noh! Dahil bukod sa tumitikwas-tikwas niyang katawan, tumitikwas din ang kanyang mga nota.

Well, tama naman ang advice nilang lahat, na there’s always a second chance katulad ng kasalukuyang champion ngayon na minsan na ring na-gong, nag-try ulit tapos ngayon ay naka-second day na siya as of this writing bilang may hawak ng golden mikropono.

Oo nga naman!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?