425

Sep 19, 2018 @ 19:46
By

Bakit sa Davao nagsampa ng kaso? – tanong ni Robles sa libel case nina Paolo Duterte, Carpio

Igigiit ng kampo ni Senador Antonio Trillanes na ibasura ang reklamong libelo na isinampa laban dito sa Davao City ng anak at manugang ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Atty. Rey Robles, abogado ni Trillanes, walang hurisdiksiyon ang Davao City Prosecutor’s Office dahil hindi sa Davao City kundi sa Cebu umano ginawa ng senador ang mga ‘libelous’ na pahayag laban kina Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio, mister ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa reklamong libelo laban kay Trillanes, umano’y sinabi nito sa isang radio interview sa Cebu na nanghingi ang magbayaw ng suhol sa Uber at iba pang kumpanya na nanghihingi ng prangkisa at mga permit mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

“Ang kwestyon namin dyan, bakit sa Davao naka-file ang kaso when all of the allegations in the complaint, all of the elements nangyari sa Cebu. Pati testigo nasa Cebu,” ayon kay Robles.

“We will file a motion to dismiss the case. Walang jurisdiction ang Davao sa isang offense na nangyari raw sa Cebu,” dagdag nito.

“Bakit mag-file ng case sa Davao? Gustong magkaroon ng homecourt advantage. It should not be allowed,” sabi pa ni Robles.

Samantala, binisita si Trillanes ng isang opisyal mula sa US Embassy.

“Neither confirm nor deny” ang tugon ni Trillanes ukol dito pero nabatid na bumisita rin ang dayuhan sa ibang senador.

Nabatid na isang “Josh Morris” mula sa US Embassy ang pumunta sa Senado kaninang dakong alas-10 ng umaga at bumisita sa mga senador, kabilang si Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?