189

By

Bakit sa babae ang sisi? Frankie nainis sa pambabash kay Issa

“Bakit laging ‘yung umano’y kabit–na laging babae–ang pinupuntirya ninyo sa mga hiwalayan?” – ang tanong ni Frankie Pangilinan, na nairita sa pang-aaway ng madla kay Issa Pressman, ang umano’y third party sa hiwalayang Nadine Lustre at James Reid.

Lunes ng gabi, Enero 20, 2020, nilabas sa “Tonight with Boy Abunda” ang joint statement nina Nadine at James kung saan sinabi nilang kaya sila naghiwalay ay upang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga career at personal growth gayong bata pa sila.

Gayunman, mas pinaniwalaan ng maraming netizen ang kumalat na video ng umano’y halikan at yakapan nina James at Issa sa Digistar PH party sa Aqua Boracay sa Aklan noong Disyembre 2019.

Sabi ni Frankie ngayong Huwebes ng umaga, Enero 23, hindi sa pinawawalang-sala niya ang mga babaeng third party, kundi dapat batikusin mismo ang lalaki na siyang nasa commited relationship.

Sinopla rin ng anak ni Megastar Sharon Cuneta ang umano’y pag-iimbento ng mga kwento ng mga tao tungkol sa buhay ng iba.

“why everyone always gotta attack the ALLEGED third party – who ALWAYS turns out to be a woman – in the situation??? why is it never the man being attacked and always the SUPPOSED kabit?? y’all weird,” tweet ni Pangilinan.

“yall im not saying the girl should be without fault im saying it’s always pinned on the third party aggressively. and if that must be the case, why isn’t it the one who was in the relationship in the first place??” wika pa nito.

Sa January 22 post ni Yassi Pressman na kapatid ni Issa, tungkol sa JaDine break-up, nagkomento si Nadine at sinabi niyang mahal niya ang magkapatid na Pressman.

Dahil dito, binawi na ng ilang netizen ang mga paratang na third party si Issa sa hiwalayan ng ex-celebrity couple.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?