11,483
Maria-Lourdes-Sereno
By

Bakit pinapasauli ang P124M kung ‘di guilty si Revilla? – dating CJ Sereno

Sharing is caring!

Nahirapang intindihin ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno kung paano naihatol na mapawalang-sala si dating Senador Bong Revilla Jr. para sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam.

Sa kanyang panayam sa UNTV ‘Ito ang Balita’, sinaad ni Sereno na siya’y naniniwala na kung si dating Ombudsman Conchito Carpio-Morales pa rin ang nakaupo ay magiging guilty ang hatol kay Revilla.

“Naniniwala po ako sa sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, ang number one indicator na malakas ‘yung kaso ay nahanap nila ang P124 million ang nadeposit sa bank account ni Senator Revilla yun ay pinapasauli ngayon ng Sandiganbayan,” pakli ng dating Chief Justice.

Kanyang inabangan ang naging dokumento sa desisyon ng korte para maaral kung paano humantong sa desisyon ang Sandiganbayan.

“Hinihintay po namin na mabasa ang desisyon upang malaman kung ako ang mangyayari na ang taong nahanapan na nagtatago ng P124-million na pera ng taong bayan ay sasabihinh walang-sala, medyo mahirap tanggapin sa kahit anong level of common sense yan,” saad pa ni Sereno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?