151

Mar 3, 2020 @ 19:11
By

Bakit pinag-presscon? Hostage taker baka gayahin ng iba – JV Ejercito

Hindi maintindihan ni dating Senador JV Ejercito kung bakit pinayagan ng kapulisan at San Juan Mayor Francis Zamora ang hostage taker na si Archie Paray na mag-press conference kaharap ang media.

10-oras tumagal ang hostage taking sa Greenhills, kung saan isa sa kondisyon ni Paray ay mailabas nito ang saloobin tungkol sa pamamalakad ng security agency kung saan siya sinibak.

Bagama’t nagpapasalamat si Ejercito dahil walang nangyaring masama sa 29 na hostage, nababahala naman ito dahil binigay sa suspek ang kanyang mga demand, isa na rito ang pagkausap sa media.

“I am relieved that the hostage taking situation in Greenhills is over. Puzzled and disappointed why culprit was given chance to speak to media,” saad ni Ejercito sa isang tweet.

Nangangamba si JV na baka magdulot ang nasabing insidente na gayahin ang ginawa ni Paray para sa mga taong may galit.

“This is not good and may in fact become a precedent for other persons with gripes,” saad pa.

Gayunpaman, pinuri ni Ejercito ang San Juan Police sa pag-handle ng sitwasyon.

“Good job San Juan Police Department though. I have always been proud of our police force.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?