135

By

‘Bakit Papa’ ni Julie Anne mabenta

Sharing is caring!

Patok sa netizens ang video ni Julie Anne San Jose kung saan kinanta niya ang Bakit Papa na pinasikat ng Sexbomb Girls. Tinanggap ng My Guitar Princess lead star ang challenge na kantahin ang unang kantang maiisip niya tungkol sa isang word na bubunutin niya sa isang fish bowl.

Tawang-tawa ang mga netizen dahil sa mga kwelang sagot ni Julie, at syempre bilib din sila dahil maning-mani niya ang pagbirit. Mapa-novelty, ballad, pop or RNB, kayang-kaya ni Julie kaya walang papantay sa kalidad ng music niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?