430

Aug 3, 2021 @ 20:02
By

Bakit pa tayo nagpabakuna? Ka Freddie umangal sa ECQ

Hinirit ni Pinoy music icon Freddie Aguilar na buksan na ang mga restaurant, bar, mall at iba pang establisyimento sa bansa pero ang papapasukin lamang ay mga kumpleto na ang bakuna laban sa coronavirus.

Aniya, uubra naman daw ito basta’t ipatutupad pa rin ang mga health protocol gaya ng social distancing at pagsusuot ng face mask.

Para saan pa aniya na nagpabakuna ang mga tao kung palagi na lamang magla-lockdown.

“Dapat buksan na mga rest, bar malls etc. para magtrabaho na mga tao hirap na hirap na at wala ng pambili ng pagkain eh. Pero ang pede lang muna makapasok ay ung mga kompleto na ang bakuna,” wika ni Aguilar sa isang Facebook post.

“Para saan pa at nagpabakuna tayo kung ganito pa rin puro ecq, gcq at PNCQ (Putragis Na Community Quarantine) etc. Pero ipatupad pa rin ang protocol (social distancing, masks etc),” dagdag niya.

Naniniwala ang singer na kapag ginawa ito ay dadami pa ang magpapabakuna at maiibsan ang paghihirap ng mamamayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?