122
Bakit noon may isyu? 200 delegasyon ni Duterte sa Japan trip, pinuna ni Korina
May 31, 2019 @ 18:31
By

Bakit noon may isyu? 200 delegasyon ni Duterte sa Japan trip, pinuna ni Korina

Kinuwestiyon ni Korina Sanchez ang 200 na miyembro ng delegasyon ng Pilipinas na kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan, 16 dito ay gabinete.

Sa kanyang column sinabi ng misis ng natalong senatorial bet na si Mar Roxas na sa mga nakalipas na administrasyon, kapag ganoon kalaking bilang ang sumasama sa Presidente sa mga biyahe ay agad binabatikos at sasabihang walang delicadeza at gastos lang ng gobyerno pero bakit umano ngayon ay hindi ito naging isyu.

Tinukoy din nito ang naging pahayag ni Ambassador to Japan Jose Laurel V na pabuya sa mga opisyal ang naturang trip dahil sa tagumpay ng mga administration candidate sa katatapos na eleksyon.

“Kailangan bang bitbitin lahat? Hindi ba nakakahiya na karaniwang Pilipino ang ipinakita na naman kung saan bitbit ang buong barangay? Kahit ba sagot ng Nikkei ang sinumang sumama, dapat bang isama lahat?” palag pa ni Korina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?