22

By

Bakit nga ba nangayayat si Alden Richards?

Sharing is caring!

Naiibang Alden Richards ang mapapanood ng kanyang mga tagahanga sa nalalapit niyang concert na pinamagatang ‘Adrenaline Rush’ sa September 21, 8 pm sa Kia Theater.

Tsika ni Alden sa idinaos na presscon niya kamakailan, hindi raw siya basta aawit at sasayaw sa kanyang concert. May mga stunt daw siyang gagawin para konektado rin sa kanyang superhero role sa ‘Victor Magtanggol’.

“I want to challenge myself even more kaya mas gagalingan ko. By doing so, it is my way na rin po of thanking all the fans who continue to support me no matter what,” sey ng Pambansang Bae.

Dagdag pa ng binata, ngayon pa lang daw ay puspusan na ang paghahanda niya para sa kanyang 2nd major concert sa taong ito (ang una ay Upsurge last year) kaya nga raw pumayat siya.

Bagama’t aminado si Alden na hindi ganoon kaganda ang kanyang singing voice, ang mahalaga naman daw ay galing sa puso ang kanyang pagkanta.

Inaabangan na ang mga production number ni Alden kasama ang kanyang mga special guest na sina Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas, Rodjun Cruz, Betong Sumaya, One Up, Ex Batallion, at iba pang sorpresang bisita.

Dahil sa may bagong album si Alden under GMA Records na may titulong ‘Until I See You Again’ na may carrier single na ‘I Will Be Here’ na ire-release sa Sept. 21 sa iTunes, Spotify, Amazon at iba pang digital platform worldwide, inaasahang kakantahin niya ang mga ito sa kanyang ‘Adrenaline Rush’ concert na prodyus ng GMA Records at ididirihe ni GB Sampedro with musical director Marc Lopez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?