95

Oct 21, 2020 @ 9:57
By

Bakit nakalusot? Bebot patay sa COVID habang nasa eroplano

Pumanaw dahil sa novel coronavirus ang isang babae habang nasa flight ito noong Hulyo.

Ayon sa Dallas County authorities, ang babae na taga-Texas at nasa edad 30s ay may “underlying high risk health conditions.”

Sabi ni Judge Clay Jenkins sa CNN, namatay ang nasabing babae sa tarmac ng New Mexico airport sa Amerika noong late July pa.

Pero nito lang Linggo, Oktubre 18, unang inulat ng Dallas County Health at Human Services ang pagkamatay ng nasabing airplane passenger.

Wala nang binigay pang ibang detalye sa dahilang medical privacy.

Ang pagkamatay ng babae ay kabilang sa 554 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Dallas County, Linggo.

Ito, matapos sabihin ng Transportation Security Administration sa U.S. na nag-screen sila ng higit 1 milyong pasahero nito ring Linggo, na siyang pinakamarami simula Marso 16.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?