30

Jun 5, 2020 @ 12:44
By

Bakit nagmamadali? Ross maalat sa balik-ensayo sa PBA

Hindi ipagpapalit ni Chris Ross ang kaligtasan ng kanyang pamilya para makabalik muli sa pag-eensayo sa PBA.

Sa tweet ng San Miguel veteran guard, pinaliwanag ni Ross na bagama’t kating-kati na rin siya maglarong muli ay tingin nito na hindi pa rin ligtas kung ikakasa na ang balik-training sa kanilang mga koponan.

Aniya, wala pa naman umanong nagiging katiyakan ang siyensya tungkol sa COVID-19 kaya’t nais ng two-times PBA Finals MVP na pag-isipang mabuti ng liga kung ligtas na ba muling magkaroon ng team activity.

“Risking personal and family safety so that we can train now for games that won’t start until earliest September?!? What’s the rush?” giit ni Ross.

“No advancement scientifically for the virus. I wanna play ball and get back to work as bad as anyone out there but at what risk??”

Nitong Huwebes ay sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na magpapadala sila ng liham sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease para payagan ang mga manlalaro na bumalik sa ensayo.

Sa ilalim ng guideline na ginawa ng PBA, apat na manlalaro lang ang papayagan sa practice facility, kasama ang isang trainer at safety officer.

Aniya pa, sasalang sa COVID-19 testing ang bawat manlalaro tatlong beses sa isang buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?