10

Aug 8, 2020 @ 11:11
By

Bakit mas ayos mag-alaga pusa kaysa aso?

Matagal nang debate ng mga cat at dog lover kung ano ba ang mas masayang alagaan, pusa nga ba o aso?

At dahil International Cat Day ngayong Sabado, ating ibida kung bakit nga ba mas okay ang mga pusa bilang pet.

Mas tahimik at guest friendly

Naranasan niyo na bang magpunta sa bahay ng isang kaibigan at biglang nagulantang dahil sa tahol o mas malala, kagat ng isang aso?

‘Yan ang madalas maranasan ng mga dog owner kapag may mga bisita na hindi kilala ng kanilang mga alaga.

Ngunit sa mga pusa, hindi dapat mangamba ang mga pet owner dahil kalma lamang ang mga ito kahit may ibang tao sa inyong bahay.

Hindi rin kasing ingay ng kanilang ngiyaw ang mga tahol ng aso kaya iwas sa mga nagrereklamong kapitbahay!

Hindi mabaho

Kahit hindi paliguan ng ilang linggo, mananatili pa ring ‘fresh’ at malinis ang inyong mga alagang pusa kumpara sa aso.

Ito’y dahil may paraan ang mga pusa na linisin ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagdila sa kanilang mga balahibo.

Goodbye daga!

Sinong nakapanood ng Tom & Jerry cartoons para sa mga batang 90s?

Sa tunay na buhay ay talagang natural na magkaaway talaga ang mga pusa at daga, lalo’t natural born hunter ang mga pusa.

Ibig sabihin ay hindi na kakailanganin ng kung ano-anong mouse trap kapag nag-alaga kayo ng pusa dahil siguradong ubos ang mga peste sa inyong bahay.

Kayang mabuhay mag-isa

May mga dog owner na naghahanap ng caretaker para sa kanilang mga alaga kapag mawawala sila kahit ilang oras lang.

Ngunit sa mga pusa, kahit isang araw kang hindi umuwi ay ayos lang sa kanila, dahil mas independent ang mga ito at hindi kailangang tutukan.

Kaya naman para sa mga office person diyan, perfect na pet ang pusa kung nag-iisa lang kayo sa bahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,