1,015

Dec 1, 2019 @ 14:28
By

Bakit Manila? Inday Sara nabanas sa kanta sa SEA Games opening

Pinuna ni Davao City Mayor Sara Duterte ang paggamit ng kantang ‘Manila’ ng Hotdog para sa opening ceremony sa 30th Southeast Asian Games.

Sa Instagram post ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, nireklamo nito na dapat kinunsidera ang inclusivity sa gagamiting kanta dahil hindi naman lahat ng Pilipino ay Tagalog o nakatira sa Manila.

“Why would you play the song Manila? Did Lapu-Lapu die for Manila? Wag po natin gawing excuse ang upbeat danceable song. Kami nagimbento ng budots. Kaloko man oie. We should be inclusive when we want to encourage our countrymen to cheer,” ayon kay Inday Sara.

Dinepensa din ng alkalde ng Davao ang kanyang post dahil wala naman umano siyang dugong Tagalog.

“Yes, nega ako, bakit? I am a Filipino but I don’t have one drop of Tagalog blood in me. Pure Vismin by birth and Ilocos by marriage. #bastabisayahilas add na natin German American for the glam,” aniya pa.

Sa opening ceremony ay makikitang sumasayaw pa ang kanyang ama na si Digong sa saliw ng tugtog na Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?