19

Mar 9, 2021 @ 11:45
By

Bakit kaya? Jun Sabayton namulat kaisipan sa Abante Tonite

“Syempre parte ito ng puberty stage ko eh.”

Pabirong sabi ni Jun Sabayton sa panayam ng ‘Between You and Jojo’ tungkol sa naging impact sa kanya ng pahayagang Abante Tonite noong kabataan niya.

“Malaking parte ng buhay ko ‘tong Abante Tonite,” sambit ni Sabayton, na nakilala sa TV5 sa kanyang persona na ‘Bayaw’. “Dito ako natututo ng current events and social studies.”

“Dito namulat ang kaisipan ko dahil sa Abante siguro kaya ganito din tayo mag-isip, critical thinking,” saad pa ng komedyante.

Kunwento din ni Sabayton ang pagsikat niya bilang si Bayaw na isa sa tumalakay ng voter’s education noong 2016 presidential elections.

Aniya, nagsimula ang concept ng Bayaw noong 2013 sa segment na ‘Word of the Lourd’ kung saan siya ang direktor.

Nagtuloy ito hanggang makasa ang istoryang ‘Bayaw for President’ para magabayan ang masang Pilipino sa pagboto.

Panoorin ang buong episode ng ‘Between You and Jojo’ sa Youtube channel ng Abante Radyo Tabloidista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?