5,658

By

Bakit apurado kayong ikulong si Trillanes? – Poe

Sharing is caring!

Kinuwestyon ni Senadora Grace Poe ang pagmamadali ngayon na arestuhin at ikulong si Senador Antonio Trillanes IV.

Mariin nitong sinabi na walang warrant of arrest laban kay Trillanes at hindi rin ito panganib kaninuman.

“Wala talang dapat na pag-aresto nang walang warrant (mula sa korte) at isa pa, bakit mamadaliin?” pahayag ni Poe.

Pinuna rin nito ang panggigigil na bawiin ang amnestiya ni Trillanes samantalang teknikalidad lang ang isyu rito.

“Para sa akin, sa tingin ko naman, nandoon talaga ang intensyon ng amnesty. If ever teknikalidad ito,” dagdag ng senadora.

Umaasa ang senadora na hindi makukulong si Trillanes dahil mababawasan na naman sila sa Senado.

Sa ngayon 23 ang senador dahil napunta na sa gabinete si Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetno.

Nakakulong naman si Senadora Leila de Lima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?