57

By

Bakbakang Dasmariñas, Demecillo sa Sabado

Magtatambal ang MP Promotions ni Senator Manny Pacquiao at ang Singapore-based Ringstar Asia para i-promote ang “Rising Stars” IBF eliminator bout sa pagitan nina IBO world champion Michael Dasmariñas at Kenny Demecillo ngayong Marso 23, Sabado, sa Resorts World Manila.

Una nang itinakda ang laban sa Singapore pero nalipat ito sa Manila para ihandog ang unang tambalang ng MP Promotions at ng Ringstar Asia.

“We’re all excited. It is a great opportunity to work with boxing legend (Manny) Pacquiao in this promotion and build the next world champion in boxing,” sabi ni Ringstar Asia founder Scott Patrick Farrell sa pagbisita nito sa 15th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club.

Ayon kay Farrel, ibubuhos lahat ng 26-year-old na si Dasmariñas, tinaguriang “Gloves on Fire”, kontra kababayang si Demecillo para makasabak naman sa IBF world title.

“As a fighter, Michael (Dasmariñas) does have a lot of power, and a good chin. He has yet to become a household name, but that is about to change now that he is under Ringstar,” dagdag ni Farrell sa weekly sports forum na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng National Press Club (NPC).

Nakamit ni Dasmariñas ang IBO crown sa fourth-round knockout win kontra Karim Guerfi ng Singapore noong Abril 2018.

May 28-2-1 kasama ang 18 knockouts na record si Dasmariñas pero matindi rin ang karibal na si Demecillo na may 14-4-2, kabilang ang 8 KOs na baraha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?