256

By

Bakbakan ng mga sundalo at Abu Sayyaf, tumagal ng halos 2-oras

Naka-engkuwentro nitong Sabado ng mga sundalo ang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu.

Nangyari ang engkuwentro sa gitna ng paghahanting sa lider ng mga bandidato na suspek din sa kambal na pagpapasabog sa Jolo noong nakaraang linggo.

Sa inisyal na ulat, limang sundalo at tatlong Abu Sayyaf member umano ang nasawi sa bakbakan na tumagal umano ng halos dalawang oras.

Nangyari ang masidhing labanan ng 5th Scout Ranger Battalion at daang miyembro ng ASG na pinamumunuan ng isang Hajan Sawadjaan sa Barangay Kabbon Takas bago magtanghali.

Si Sawadjaan umano ay pinaniniwalaang sangkot sa Jolo bombing.

Ilan din umano ang nasugatan sa panig ng Army at ASG kabilang na ang lider na si Indang Susukan na naputulan umano ng braso.

Samantala, inilikas naman ang mga residente ng Patikul dahil dito.

Noong Miyerkoles nang magpakawala ng airstrikes ang militar laban sa ASG sa Sulu matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “all-out war” laban dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?