87

By

‘Bakat’ ni Jak Roberto pinagpiyestahan sa Instagram

Sharing is caring!

Mga tattoo lang ang gusto sanang ipangalandakan ni Jak Roberto pero iba ang napagdiskatahan ng kanyang mga followers sa Instagram nang i-post niya ang ilan sa mga topless photo niya, na kuha sa set ng bago niyang acting project.

Unang larawang bumulaga sa IG wall ni Jak ay ang naka-topless siya at isang cotton shorts ang pang-ibaba. Ipinangangalandakan ni Jak ang mga temporary tattoo niya pero marami sa mga fan at supporter niya ang nakapansin ng kanyang bukol.

Bakat na bakat naman kasi ang nota ni Jak sa suot niyang gray shorts, kaya hindi talaga maiiwasang hindi ito mapansin ng kanyang mga tagasubaybay. Given na ang pagkakaroon ng abs at magandang porma ng katawan ng Kapuso actor, pero iba ang pang-akit ng kanyang bukol sa maiinit na mata ng mga fan niya.

Kaya ayun, pinagtsismisan si Jak at ang kanyang bakat sa comment thread ng posting niya. Marami ang naaliw, nabaliw at naglagay ang malisya sa larawan, na pati ang kasintahan niyang si Barbie Forteza ay sinabihang swerte ito dahil ‘daks’ nga ang aktor.

Sinusulat ang item na ito wala pang comment si Barbie sa photo ni Jak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?