29

Jul 16, 2021 @ 11:06
By

Bakal sa paa hindi mababali: Conor McGregor feeling Terminator!

Sa kabila ng nakapanlulumong injury ay nagawa pang mag-angas ni dating two-division UFC champion Conor McGregor.

Sa trilogy ni McGregor kontra Dustin Poirier ay maagang natapos ang laban matapos mabali ang binti ng Irish sa pagtatapos ng first round.

Ngunit ilang araw lang ang nakalipas ay balik na ang sigla ni McGregor at excited na muling magpalakas.

Hinambing niya pa ang kanyang sarili kay ‘Terminator’, isang classic movie character na hindi mamatay-matay dahil sa pagiging robot.

“What I needed was a titanium shin bone. Now, I have a titanium rod down the knee, from the knee to the ankle. The doctor said it’s unbreakable,” lahad ni Conor sa isang video tweet.

“I have got an unbreakable titanium leg. I was talking to my physical therapist, who was with Arnold Schwarzenegger, his other half. And I said I am going in there as Terminator 2.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?