9,294

By

Baka pati ABS-CBN mapa-stop: Quiboloy kumasa sa hamon ni Vice Ganda

Tinanggap ni Pastor Apollo Quiboloy ang hamon ni Vice Ganda na pahintuin ang longest-running TV series na “Ang Probinsyano” at trapik sa EDSA.

Sa viral video, nagsalita si Quiboloy sa challenge sa kanya ng Unkabogable Star sa isang episode ng “It’s Showtime” kamakailan.

Ani Vice: “Hinahamon kita Quiboloy. Ipahinto mo na ang ‘Ang Probinsyano.’ Napahinto mo pala ang lindol eh. Napakayabang niyo pala eh. Sabi niya raw, stop. Sige nga, punta ka ng gitna ng EDSA, stop mo ‘yung traffic doon.”

Buwelta ng pastor, baka raw hindi lang ang primetime series ni Coco Martin ang mapahinto kundi ang buong network kung saan nagtatrabaho si Vice, ang ABS-CBN.

“Lindol lang ‘yung pina-stop ko eh dumating pa ‘yung challenge na ipa-stop ko daw ‘yung ‘Probinsyano’ o kaya ‘yung sa EDSA. Kailan mo ba gustong mapa-stop ang ‘Probinsyano’? Ikaw, mamili ka, kelan mo ba gustong ma-stop? Isang buwan? Dalawang buwan? Tatlong buwan? Apat na buwan? Ikaw, pili ka. Baka sa apat na buwan ‘di lang ‘yung ‘Probinsyano’ ang ma-stop, baka pati ‘yung network mo stop na ‘yan,” pahayag ni Quiboloy.

Ang tinutukoy ni Quiboloy ay ang isyu sa franchise renewal ng Kapamilya Network na mag-e-expire sa March 30, 2020.

Nagbiro pa ang pastor sa challenge ni Vice sa trapik, “Sinabi mo pahintuin ko ang traffic sa EDSA, paano ko pahihintuin, nakahinto na. Ang dapat mong sinabi pabilisan, pabilisan ang traffic, pabilisan ang traffic flow, eh paano ko pahintuin eh nakahinto na nga eh. Naging parking lot na nga ang EDSA eh, nakahinto na. Paano ko pa pahihintuin ang nakahinto na.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?