49

By

Baka pagsimulan ng gulo: Duterte desididong sipain ang Smartmatic

Desidido si Pangulong Rodrigo Duterte na mapalitan ang Smartmatic sa susunod na eleksiyon para maiwasan na ang pagdududa sa kredibilidad ng Commission on Elections.

Sa kanyang pagdalo sa selebrasyon ng Eid’l Fitr sa Davao City noong Huwebes ng gabi, sinabi ng Pangulo na dapat maghanap ng service provider ang Comelec na hindi papalpak at walang masasayang na kahit isang boto.

Hindi aniya mabubura sa isipan ng mga tao kapag may hindi nabilang na kahit isang boto at baka maaaring pagsimulan pa ito ng gulo.

“Ang sinabi ko naman diyan sa Smartmatic, even if there is one vote that is wasted hindi maganda ‘yan. It will foment and it will generate…Sabi ko maghanap kayo nang bago na walang palpak ni isang boto,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na kapag may nag-ingay na Maranao dahil sa paniwalang natalo at nadaya sa eleksiyon ay tiyak na hindi ito basta tatahimik na lang, bagkus baka pagsimulan ng gulo.

“Kapag mag — may isang Maranao nagsige yawyaw diyan, hindi na magtahimik ‘yan lalo nang madaya. ‘Nanalo man kami bakit ngayon wala kami sa pwesto?’ O hindi na pwede ito. Patayan na,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?