326

Jan 13, 2022 @ 14:32
By

Baka pagsawaan? Ellen pinatulan basher

Pinatulan na ni Ellen ang kaniyang basher matapos nitong sabihin na baka pagsawaan siya ni Derek Ramsay.

Sa Instagram post kasi ng aktres, nakasuot ito ng bikini habang nakapostura para sa isang mirror shot.

“Dear Universe, May I get this natural even tan again effortlessly. Thank you!” caption ni Ellen sa Instagram.


Nag-comment naman ang isang netizen at sinabing: “Lagi na lang ganiyan?? Baka pag sawaan ka girl.”

Tila ang tinutukoy nito sa “Lagi na lang ganiyan” ay ang pagsusuot ni Ellen ng sexy na damit.

Hindi naman ito pinalagpas ni Ellen: “Pagsawaan? Pinakasalan nga diba. Matakot ka kung jowajowa lang.”

Marami namang netizen ang natuwa sa pagsagot ni Ellen sa basher at sinuportahan pa ang aktres. (Sherrylou Nemis)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?