99

Jun 23, 2022 @ 17:41
By

Baka mapeke? Printable version ng National ID inangalan ng mga netizen

Hindi pabor ang ilang netizen sa plano ng Philippine Statistics Authority (PSA) na maglunsad ng printable version ng National ID dahil gusto ng papasok na administrasyon na mabigyan ng ID ang karamihan sa mga Pilipino sa katapusan ng taon.

“The PSA is currently working on increasing the production of the physical ID cards currently printed at the BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas) and will launch the printable version of the national ID that can be printed at the PSA registration centers,” pahayag ni national statistician Dennis Mapa.

“This will increase the number of registrants with national ID: physical or the printable,” dagdag niya.

Kaya muli na namang nag-trending ang National ID dahil nangangamba ang ilang netizen na maging prone lamang sa pamemeke o pagdoktor sa paglalabas ng printable version nito.

“Kanya kanyang print na lang kasi di madeliver hahahaha charot.”

“Pota…. nag-antay pa kame. pwede pala i-print parang recto lang. so anong difference kung magpapagawa kami sa Recto.”

“Tangina. Squatter solutions nanaman to hide incompetencies.”

“May contractor na naman pong di tumupad sa usapan pero yumaman. at ngayon ipapasa ang trabaho sa taongbayan. congrats mga deputa.”

“Print version kadiri naman yan tas nakalaminate pag na peke kasalanan nnmn ng madla.”

“Isn’t this further subjecting the National ID to fraud?”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?