59

By

Baka makasilat! Paul Lee gusto ng mahabang serye

Isa si Paul Lee sa mga key player na dapat abangan ngayong 2019 PBA Philippine Cup Finals series sa pagitan ng Magnolia Hotshots at San Miguel Beermen.

Ilang finals na ang napaglaruan ng tinaguriang ‘Angas ng Tondo’, sa tatlong kampeonato sa liga, isang conference na lang ang hindi pa nasusungkit ng guard.

At sa pagkakataong ito, posible nang makumpleto ni Lee ang kanyang ring case sa tsansang mapatid ang tropeo sa Philippine Cup.

Ayon sa 30-anyos, walang pressure siyang nararamdaman sa kanilang pagharap sa four-time defending champs.

“Kailangan lang ibigay lang naming yung best namin. The good thing is we have a chance to win another championship, so cherish lang naming yung moment na to. No pressure pero alam mo yon, kailangan gawin lang naming lahat… para end of the day walang regrets,” ayon sa dating University of the East star.

Sa series clincher kontra Rain or Shine, isa si Lee sa mga humataw para sa Magnolia, 11 points, four rebounds at three assists ang kinubra para makatulong sa 63-60 OT win ng tropa.

At ngayon ay mahaharap sa ‘final’ boss ng Philippine Cup. Kung si Lee ang tatanungin, mas gugustuhin nito ang mas mahabang serye, nais na makapantay at sa dulo ay ibibigay ang lahat para ma-dethrone ang SMB.

“Siguro mas okay kung humaba yung series kasi pero di natin masasabi kung sobrang lakas ng San Miguel kasi, sobrang lakas nung team nila ah pero yun nga gagawin naming lahat. Bibigyan namin sila ng magandang laban and if we have a chance to win it in the end, ga-grab lang namin,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?