13

Oct 25, 2020 @ 17:15
By

Baka magkahawaan pa! Blackwater ayaw ipahamak Rain or Shine

Aatras ang bataan ni Blackwater coach Nash Racela kung sakaling hindi nagsuspende ang PBA ng laro matapos magpositibo sa COVID-19 ang isa nilang manlalaro.

Ayon kay Racela, ayaw niyang malagay sa alanganin ang kakalabanin sanang Rain or Shine kaya mabuti na lang ay hindi na muna tinuloy ang kanilang laban.

Matatandaan na sinuspende ni league commissioner Willie Marcial ang laban sana nitong Linggo dahil sa positibong player.

Ang nasabing manlalaro ay sasalang na sa antigen at RT-PCR test para makumpirma kung tinamaan ito ng COVID-19.

Samantala, tuloy naman ang laro sa pagitan ng Ginebra San Miguel at Magnolia Pambansang Manok.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?