537

Nov 15, 2021 @ 13:35
By

Baka magbago isip! Inday Sara pwede pa mag-presidente – Andanar

Posibleng may mga pagbabago pa ngayong Lunes sa puwestong tatakbuhan nina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Senador Bong Go.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na posibleng magpalit ng puwesto sina Mayor Sara at Senador Bong Go.

Inihalintulad ni Andanar sa isang telenovela ang mga magiging kaganapan ngayong Lunes, huling araw na pagsusumite ng substitution at certificate of candidacy ng mga hahabol para sa darating na eleksyon.

“Abangan natin ang susunod na kabanata. According to our sources, meron ding mga kakampi from the Inday’s camp na nag-stake out sa Comelec at Roxas Boulevard area, hoping na baka mayroon pang mga panibagong changes na naman. Baka mag-presidente si Inday, baka mag-slide down si Bong Go ulit, so talagang everything is fluid right now, parang telenovela ito,” ani Andanar.

Hindi naman masagot ng kalihim kung itutuloy ni Pangulong Duterte ang plano na tumakbo rin sa pagka-bise presidente o pagka-senador.

Hintayin na lamang aniya kung ano ang mga magiging kaganapan at hangad niyang mag-usap sina Pangulong Duterte at Mayor Sara.

“We just wait for the decision of the family, pamilya na yan eh. Sila-sila na, mag-ama na ang mag-usap niyan kaya we hope for the best for both of them, the father and the daughter,” dagdag ni senador. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?