1,814
Baka 2 beses ginahasa
By

Baka 2 beses ginahasa

Naaktuhan ng caretaker ang isang 19-anyos na lalaki habang ginagahasa ang kanyang alagang baka sa ilalim ng punong mangga sa Salaan, Zamboanga City, Sabado ng umaga.

Bunga nito, inimbitahan sa barangay ang binata para matanong hinggil sa kanyang ginawa.

Ayon sa ulat, napansin ng tagapangalaga ng baka na si Alih Tawakal na nawawala ang isa sa mga alaga niyang hayop.

Naghanap ito at nakita niya ang binata habang hinahalay ang kanyang alaga.

Sinigawan niya ang suspek na nagtatakbo nang hubo’t hubad.

Sa ginawang pag-uusig ng barangay sa suspek, inamin umano ng binata ang ginawa niyang panggagahasa sa baka.

Hindi naman nagsampa ng kaso ang may-ari ng baka kahit ito na ang ikalawang pagkakataon na ginawa ito ng suspek, na una umanong nangyari ilang taon na ang nakalilipas.

Samantala, ayon sa ama ng binata, wala sa tamang pag-iisip ang kaniyang anak kaya nagawa ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?