316
Graft case ni Crisologo natutulog sa Sandiganbayan
Aug 31, 2018 @ 16:23
By

Bail petition ng mga ka-brod ni Duterte, ibinasura ng Sandiganbayan

MANILA — Ibinasura ng Sandiganbayan nitong Biyernes (ika-31 ng Agosto) ang petisyon na makapag-piyansa ang dalawang dating opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na nahaharap sa kasong plunder kaugnay sa P50 milyon bribery scandal.

Sa resolusyon na inilabas ng Sandiganbayan 6th division, malakas umano ang ebidensya laban kina dating Immigration deputy commissioners Al Argosino and Michael Robles matapos umano silang tumanggap ng P50 milyon na suhol na galing kay Macau-based casino magnate Jack Lam na ipinadaan naman sa kanyang emisaryo na si retired policeman Wenceslao ‘Wally’ Sombrero.

“The prosecution’s evidence, taken as a whole, convincingly shows that there was no legitimate reason why accused Argosino and Robles received money from accused Sombero outside the premises of their office and beyond office hours, and hence, the money received appears to be ill-gotten wealth,” saad ng resolusyon.

“Using the standard of evident guilt or presumption of guilt as define… this court finds that accused Argosino, Robles and Sombrero are not entitled to bail.”

Ang nasabing halaga na P50 milyon ay suhol umano para sa kalayaan ng mahigit sa 1,300 manggagawang Tsino na iligal na nagtatrabaho sa casino na pinapatakbo ni Lam sa Clark, Pampanga noong Disyembre 2016.

Iniabot umano ni Sombrero kina Argosino at Robles ang suhol na milyones habang silang tatlo ay nasa loob ng isang sikat na five-star hotel sa Lungsod ng Parañaque.

Ang dalawang dating kawani ng BI ay inaresto noong ika-13 ng Abril ngayong taon habang si Sombrero ay sumuko naman noong ika-11 ng nasabi ding buwan.

Sila Argosino at Robles ay mga ka-brod nila Pangulong Rodrigo Duterte at dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa Lex Talionis Fraternitas ng San Beda College of Law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?