227
tugade
By

Baho ng nahuling LTO official, pinakakalkal ni Tugade

Sharing is caring!

Galit na inatasan ni Transportation Secretary Arthur Tugade si Land Transportation Office Chief Edgar Galvante na halukayin ang lahat ng itinatagong baho ng naarestong opisyal nito sa isang anti-drug operations sa Tarlac.

Ipinakakalkal ni Tugade kay Galvante ang pagkatao ng nahuling si LTO Tarlac officer in charge Rodel Yambao dahil aniya posibleng sangkot din ito sa katiwalian.

Kahapon ay inaresto ng mga tauhan ng PDEA at PNP si Yambao sa bahay nito sa Barangay San Roque kung saan nakuha ang siyam na plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang granada at mga bala.

Ayon sa awtoridad nakalista bilang high value target sa hanay ng mga suspected drug personalites si Yambao.

“ Kung mga corrupt nga hindi natin pinalalampas, eto pa kayang sangkot sa ipinagbabawal na gamot? Ang mga anay na gaya mo, walang puwang sa departamentong ito lalo na sa lipunan na galit na galit sa droga!” ang madiing mensahe ni Tugade kay Yambao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?