21

Bahay ni Jimmy Bondoc, nilooban

Pinasok ng magnanakaw ang bahay ng singer at opisyal ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na si Jimmy Bondoc.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Station 10, nakilala ang isa sa mga suspek na dating empleyado ni Bondoc.

Nadiskubre umano ang pagnanakaw dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa bahay ni Bondoc sa Barangay Pinagbuhatan, Quezon City matapos panoorin ang nakunang video mula sa CCTV camera nito.

Kabilang sa nanakaw ng mga suspek ang laptop at camera na pag-aari ng ama ng singer.

Patuloy namang pinaghahanap ang mga salarin.

Sa kanyang Facebook post, humingi ng tulong si Bondoc sa kanyang fans para makilala at mahuli ang mga suspek.

“Sorry po, aabalahin ko kayo. Nanakawan po kami. Sa mga kalapit-bahay namin, baka matulungan niyo kami ma-identify ang taong ito,” ani Bondoc. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?