599

Oct 25, 2021 @ 15:44
By

Bahay ni James Reid ‘for sale’ na, mga fan naiyak

For sale na ang mamahaling bahay ni James Reid sa Katipunan, Quezon City.

Sa Instagram, ipinakita niya ang bahay ngunit hindi binanggit ang halaga nito.

“My house is for sale! Loyola Grand Villas, Katipunan. Slide for more pics. Contact my assistant Penelope for more details on +63 927 836 9466,” sey ng aktor.

Ang naturang bahay ay tinirhan nila ng dating girlfriend na si Nadine Lustre.

Kaya naman nag-emote ang mga fan dahil may memories doon ang JaDine.

May bago nang nobyo si Nadine, na isang French-Filipino businessman.

Eunnieunni: “Naiiyak ako. Parang lahat ng anggulo may pic si nadz.”

salsia_sia: “Too much memory here.”

bianne_duldulao: “Too much memory #JaDine.”

https://www.instagram.com/p/CVZ6nezF_uU/

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?