37
najib2
By

Bahay ni ex-PM Najib Razak, sinalakay ng Malaysian police

Sharing is caring!

Ni-raid ng Malaysian police ang bahay ni dating Prime Minister Najib Razak para maghanap ng mga dokumento kaugnay ng pag-iimbestiga sa malakihang corruption scandal na kinasasangkutan nito.

Sinugod ang bahay ni Najib matapos itong bumalik mula sa pagdarasal sa mosque.

Dahil dito, umusbong ang espekulasyon na aarestuhin si Najib matapos naunang balaan si Prime Minister Mahathir Mohamad na maaari itong kasuhan sa 1MDB fund fiasco.

Ayon kay commercial crime director Amar Singh Ishar Singh, limang lokasyon na may kaugnayan kay Razak ang kanilang sasalakayin sa layon na makakuha ng ebidensiya sa nagaganap na pag-iimbestiga laban dito.

Kaugnay nito, hindi na pinayagan si Najib at asawa nito na makalabas ng Malaysia.

Si Mahathir ang pumalit sa napatalsik na si Najib dahil sa 1MDB scandal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?