Bahay ni Chris Bosh sinalakay dahil sa iligal na droga

Sharing is caring!

Sinalakay ng Texas Police ang bahay na pag-aari ni dating NBA player Chris Bosh.

Armado ng search warrant ang pulisya matapos ang suspetsa ng kalakalan ng iligal na droga sa bahay kung saan nakatira ang nanay ni Bosh na si Freida.

Person of interest umano si Freida Bosh sa imbestigasyon.

Ayon sa USA Today, nakatanggap umano ng impormasyon ang DeSoto Police na malaking bilang ng mga sasakyan ang pumupunta at umaalis sa bahay ng mga Bosh sa No. 902 St., Georges Place.

Sa pagsisiyasat sa bahay, malaking bilang ng drug paraphernalia ang nakuha na indikasyon ng narcotics trafficking sa lugar. Wala naman umanong inaresto sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?