154

Oct 26, 2019 @ 16:41
By

Bahay ng Fil-Am family natupok sa sunog sa California

Nanlumo ang isang Filipino-American family na may apat na miyembro matapos makitang natupok ng apoy ang two-story home nila sa Santa Clarita, California.

Nakunan pa ng litrato ng pamilya Pallos ang naglalagablab na apoy sa kalapit na canyon bago sila nailikas kasama ang may 50,000 pang residente noong Huwebes ng gabi, ayon sa ABS-CBN News.

Kinaumagahan ng Biyernes, nakita nila sa telebisyon na nilamon na rin ng apoy ang kanilang tahanan.

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa umano ang sanhi ng sunog habang nasa 10,000 istraktura ang napinsala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?